LOOK: Abe nag-host ng ‘caviar, wagyu dinner’ para kay Duterte
Nag-host si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng hapunan para kay Pangulong Rodrigo Duterte at delegasyon nito sa pagtatapos ng 4-day working visit araw ng Biyernes.
Naghapunan sina Duterte at Abe at kanilang mga opisyal matapos ang pulong ng dalawang lider sa tanggapan ng Premier sa Tokyo.
Ilan sa pinagsaluhang mga pagkain ang caviar, lobster with salad, sashimi, tempura, grilled Japanese Wagyu fillet steak at rolled sushi.
Nakalista naman sa menu card ang mga panghimagas na vanilla ice cream, sweet bean paste at assorted Japanese fruits.
Sa mga larawan mula kay PCOO Secretary Martin Andanar, makikita sa isang mesa si Abe, si Duterte at partner nitong si Honeylet Avanceña at mga opisyal ng Pilipinas at Japan.
Nagbahagi rin ng mga larawan ng dinner si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.