Ginang tumalon mula sa sinasakyang barko sa Dipolog City kasama ang 7-buwang gulang na sanggol

By Dona Dominguez-Cargullo May 31, 2019 - 05:29 PM

Nailigtas ang ina at kaniyang 7-buwang gulang na anak makaraang tumalon mula sa sinasakyang barko sa karagatan na sakop ng Dipolog City Biyernes, May 31 ng umaga.

Bitbit ng ginang ang kaniyang sanggol na anak nang bigla itong tumalon mula sa barkong MV Lady of Joy na sinasakyan nila galing Cebu at patungo ng Dipolog.

Kapwa naman ligtas ang kondisyon ng 34 anyos na ina at kaniyang anak matapos na masagip ng mga crew ng barko.

Nabatid na tuliro ang ina makaraang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng kaniyang mister.

Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard Central Visayas, nakita ang ina na kalong ang kaniyang anak sa corridor ng barko na palakad-lakad,

Nagulat na lamang ang ilang crew nang bigla itong tumalon kasama ang sanggol.

Agad silang hinagisan ng life ring at ipinag-utos naman ng kapitan ng barko ang pag-maniobra para mailigtas ang mag-ina.

Inabot ng 20 minuto bago tuluyang masagip ang mag-ina kung saan ito agad nilapatan ng first aid.

Dumaong ang barko sa Gala port at dinala sa ospital ang mag-ina.

TAGS: Central Visayas, coast guard, Dipolog City, Radyo Inquirer, Central Visayas, coast guard, Dipolog City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.