Transport terminals nasa heightened alert na para sa balik-eskwela

By Jan Escosio May 31, 2019 - 10:11 AM

Inilagay na ng Department of Transportation (DOTr) sa heightened alert status ang lahat ng mga ahensiya na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa kaugnay sa pagbubukas muli ng mga paaralan sa darating na Lunes, Hunyo 3.

Pinatitiyak ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa kanyang mga opisyal na walang magiging aberya sa sektor ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Balik Eskwela.”

Gusto ni Tugade na maging maayos at ligtas ang pagbiyahe ng mga estudyante maging ng mga kawani ng mga paaralan.

Sinimulan ipatupad ang Oplan noong nakaraang Lunes at magiging epektibo ito hanggang sa Hunyo 8.

Ipinag-utos din ni Tugade ang paglalagay ng Malasakit help Desks sa mga public transport terminals, partikular na sa mga istasyon ng tren.

Para maiwasan ang mahabang pila, pinatitiyak ng kalihim na palaging may mga tao sa mga ticketing booths.

Dapat din aniya na palaging may update sa kanilang social media accounts ang mga transport agencies kaugnay sa mga sitwasyon sa mga terminals at reklamo o sumbong ng mga pasahero.

TAGS: balik eskwela, Oplan Biyaheng Ayos, balik eskwela, Oplan Biyaheng Ayos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.