LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 31
Muling nabawasan ang water level sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ngayong umaga (May 31) nasa 169.41 meters na lang ang antas ng tubig sa Angat dam.
Mas mababa kumpara sa 169.63 meters kahapon ng umaga.
Nabawasan din ang water level ng BInga dam, San Roque dam, Pantabangan dam at Caliraya dam.
Nanatili naman sa 68.98 meters ang water level sa La Mesa dam at walang pagbabago sa nakalipas na 24 oras.
Samantala, nadagdagan naman ang water level sa Ipo dam, Ambuklao dam, at Magat dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.