100 buhay na Tarantula at iba’t ibang klase ng preserved animals naharang ng Customs

By Rhommel Balasbas May 31, 2019 - 04:07 AM

BOC-NAIA photo

Naharang ng Bureau of Customs – NAIA ang isandaang buhay na nakalalasong Tarantula at iba’t ibang uri ng preserved animals na iligal na dinala sa bansa.

Ayon sa pahayag ng BOC Huwebes ng gabi, naharang ang wildlife packages na ito sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Laman ng package ang dalawang box ng 100 Tarantula na mapanganib sa kalusugan ng tao at posibleng makabulag.

Galing sa Poland at Malaysia ang mga Tarantula na idineklara bilang mga sulat at laruan.

Bukod sa mga nakalalasong gagamba, nasabat din ang 71 piraso ng stingray skin mula sa Jakarta, Indonesia at mga bahagi ng katawan ng moose, kamelyo at soro na mula naman sa UAE, Norway at France.

Ang preserved animals na ito ay posible umanong magdulot ng banta sa kalusugan dahil wala itong quarantine certificates at import permits.

Nai-turn over na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga hayop.

Nagpaalala ang BOC sa mga sangkot sa Illegal Wildlife Trade na maaari silang maharap sa parusang hindi lalampas sa dalawang taon na pagkakukulong at P220,000 na multa sa ilalim ng R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) kaugnay ng R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

 

TAGS: BFAR, Bureau of Animal Industry, Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center, laruan, NAIA, preserved animals, Sulat, tarantula, BFAR, Bureau of Animal Industry, Bureau of Customs, Central Mail Exchange Center, laruan, NAIA, preserved animals, Sulat, tarantula

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.