Cayetano ‘most qualified’ na maging House Speaker ayon sa isang political analyst
Inihayag ng isang political analyst na si Congressman-elect Alan Peter Cayetano ang pinaka-kwalipikadong maging sunod na Speaker ng Kamara.
Ayon kay University of the Philippines professor at political analyst Ranjit Rye, hindi lamang pagiging malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kwalipikasyon ng susunod na House Speaker kundi pati ang pagiging competent at experience bilang isang mambabatas dahil kung bagito anya ay tiyak na mapapaikot lamang ito.
Dagdag ni Rye, kung ang hangad ni Pangulong Duterte ay maitulak ang kanyang mga legislative agenda ay kailangan nito ng House Speaker na may kaalaman hindi lamang sa Kamara kundi pati sa Senado.
“The House of Reprsentatives will play a crucial role in ensuring in pushing the legislative agenda of PRRD as well as needed legislation for social and economic reform, it will need a speaker who is not just competent but also experienced and with the gravitas that is recognized not just in the House but also in the Senate,” ani Rye.
Dagdag nito, hindi sapat na inendorso lamang ng kakilala o ng kung sino bagkus ay dapat may working relationship sa Pangulo.
“The House needs a leader who has a working relationship with Presidente Duterte and can actually get things done,” dagdag ni Rye.
Kabilang sa matunog na maglalabanan sa Speakership ay sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep. Martin Romualdez at si Cayetano.
Aminado naman ang Makabayan Bloc ng Kamara na hindi lamang palakasan kay Pangulong Duterte ang labanan sa Speakership kundi labanan din ng mga business tycoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.