7 sundalo, sugatan matapos pasabugan ng convoy sa Bukidnon
Sugatan ang pitong sundalo matapos sumabog ang isang land mine sa Impasug-ong, Bukidnon Huwebes ng umaga.
Kasama ang mga sugatang sundalo ng Philippine Army sa convoy ng mga dayuhan at ilang volunteer.
Pinaniniwalaan na ang New People’s Army (NPA) ang nasa likod na pag-detonate ng land mine.
Maliban sa pitong sundalo, nasugatan din ang tatlong miyembro ng rebeldeng grupo.
Wala namang nasaktan sa mga kasamang dayuhan.
Ayon kay Capt. Ryan Layug, civil military officer ng 403rd Brigade, gumanti ng putok ng baril ang mga sundalo sa mga rebelde.
Nagmula aniya ang mga dayuhan sa indigenous people communities sa Vietnam, Myanmar, Indonesia at Malaysia.
Nagtungo ang mga dayuhan sa Sitio Mintapod sa Barangay Hagpa para sa ilang aktibidad sa komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.