Motoristang nagmaneho habang nasa passenger’s seat posibleng habambuhay mawalan ng lisensya

By Jimmy Tamayo May 30, 2019 - 10:36 AM

Kinokonsidera ng Land Transportation Office na bawiin ang driver’s license ng lalaki na nagmamaneho ng sasakyan mula sa passenger’s seat.

Ang insidenteng ito ay mula sa isang video na kumalat sa social media kamakailan.

Ayon kay LTO law enforcement director Francis Almora, hindi sumipot sa imbestigasyon ang motorista na nasa video na nakilalang si Miko Lopez.

Dahil aniya dito, posibleng alisan na ng karapatay na mabigyan ng lisesya si Lopez.

Natuklasan din ng LTO na may video din si Lopez kung saan makikita naman na tinanggal nito ang manibela habang tumatakbo ang kotse sa bilis na 200 kilometers per hour.

Ipinaliwanag ni Almora na ang ginawa ng motorista ay maituturing na reckless imprudence at illegal modification.

Posibleng ilabas ng LTO sa susunod na linggo kung ano ang ipapataw na parusa sa motorista. Inihahanda na rin ang patung-patong na kasong isasampa laban sa Lopez kabilang dito ang reckless driving, hindi pagsusuot ng seat belt, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle at illegal modification.

TAGS: Driver's license, ltfrb, lto, Miko Lopez, Driver's license, ltfrb, lto, Miko Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.