LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 30
Muling nabawasan ang water level ng karamihan sa dam sa Luzon.
Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, May 30, nasa 169.63 meters ang water level ng Angat dam.
Mas mababa ito kumpara sa 169.79 meters na water level nito kahapon.
Nabawasan din ang water level sa Binga, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dams.
Habang ang water level ng La Mesa dam ngayong araw ay nasa 68.98 meters mas mataas naman ng bahagya kumpara sa 68.68 meters na water level nito kahapon.
Nadagdagan din ng bahagya ang water level ng Ipo, Ambuklao,at Magat dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.