Poe sasali sa minorya kapag pinalitan si Sotto bilang Senate President

By Rhommel Balasbas May 30, 2019 - 03:07 AM

Handang iwan ni Sen. Grace Poe ang majority bloc at umanib sa oposisyon sakaling matanggal bilang Senate President si Vicente Tito Sotto.

Ang pahayag ay ginawa ni Poe sa gitna ng mga haka-hakang papalitan ng mga bagong senador si Sotto.

Anya, may banta talaga ang ibang senador kasama na si Sotto na sasama sila sa minorya kapag naalis si Sotto sa pwesto at isa siya sa mga senador na ito.

“Kung lilipat si Senator Sotto sa minority, sasama na lang ako,” ani Poe.

Nauna nang sinabi ni Sotto na ilan sa mga senador ay muling tiniyak ang kanilang suporta sa kanya.

Naniniwala si Sotto na nasa 15 o 16 na senador ang nakasuporta sa kanya bilang lider ng Senado.

Kailangan lamang ni Sotto ng 13 boto para manatili bilang Senate President.

 

 

TAGS: handang iwan, minority, Senator Grace Poe, Vicente Sotto III, handang iwan, minority, Senator Grace Poe, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.