Bagyong Nona nag-landfall na sa Sorsogon

By Den Macaranas December 14, 2015 - 04:27 PM

sorsogon
Inquirer file photo

Pasado alas-kwatro ng hapon ay nag-landfall na sa mga bayan ng Sta. Magdalena at Matnog sa lalawigan ng Sorsogon ang bagyong Nona.

Sinabi ni Ariel Doctoma, spokesman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) na umaabot na sa 143,223 inviduals mula sa kabuuang 23,015 families ang kasalukuyang mga nasa evacuation centers.

Ang nasabing mga evacuation centers ay matatagpuan sa mga bayan ng Bulan, Matnog, Sta. Magdalena. Prieto, Diaz, Bulusan at Magallanes.

Ipinaliwanag din ng nasabing opisyal na inaasahan nila ang malalakas na hagupit ng hangin at malakas na pag-ulan sa mga susunod na oras base sa mga paunang babala na inilabas ng Pagasa.

Inaasahan na rin  ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang posibilidad na maputol ang supply ng kuryente sa lugar kaya naka-alerto na ang buong pwersa ng Philippine National Police sa lalawigan.

Kapag hindi nagbago ang lakas ng bagyo, sinabi ni Doctoma na tiyak na maaapektuhan ng sama ng panahon ang labing-apat na mga bayan sa Sorsogon na tirahan ng may 740,000 katao.

TAGS: Nona, Pagasa, Sorsogon, Typhoon, Nona, Pagasa, Sorsogon, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.