Ilang kalsada sa Makati City isasara sa Biyernes para sa Flores de Mayo

By Angelliic Jordan May 29, 2019 - 10:40 PM

Credit: Makati City LGU

Isasara ang ilang kalsada sa Makati City para sa prusisyon ng Flores de Mayo sa araw ng Biyernes, May 31.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Makati na ipatutupad ang pagsasara ng ilang kalsada at traffic rerouting mula 1:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Magsisimula ang prusisyon sa Makati City Hall Quadrangle patungo sa Globe Circuit Event Ground sa pamamagitan ng Hormiga, Trabajo, Hippodrome at Ap. P. Reyes Streets.

Magsisimulang magtipon bandang 1:00 ng hapon habang ang programa naman ay itinakda 4:00 ng hapon.

Sa mga sasakyan sa N. Garcia Street mula sa Kalayaan Avenue, maaaring dumaan sa mga sumusunod:

– J. P. Rizal Avenue patungong Antipolo Street, kumanan sa S. Osmeña Street at kumaliwa sa E. Zobel Street o P. Burgos Street extension saka kumanan sa A. Mabini Street at kumaliwa sa J. P. Rizal Avenue papunta sa kanilang destinasyon

– J. P. Rizal Avenue patungong Antipolo Street, kumanan sa S. Osmeña Street saka kumanan sa P. Burgos Street Extension tapos ay kumaliwa sa J. P. Rizal Avenue papunta sa destinasyon sa Guadalupe-Edsa.

Magpapatupad din ng ‘stop and go’ traffic scheme sa A. P. Reyes Street para bigyang-daan ang prusisyon.

Magtatalaga ng mga traffic enforcer sa lugar at traffic cones para masigurong maaasistihan ang trapiko sa lugar.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod na babalik sa normal ang trapiko bandang 7:00 ng gabi.

 

 

 

TAGS: Biyernes May 31, Flores De Mayo, Globe Circuit Event Ground, isasara, kalsada, Makati, Makati City Hall Quadrangle, rerouting, stop and go, traffic, Biyernes May 31, Flores De Mayo, Globe Circuit Event Ground, isasara, kalsada, Makati, Makati City Hall Quadrangle, rerouting, stop and go, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.