Gastos sa pagbabalik ng basura, aakuin ng Canada
Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipadadala pabalik ang mga basura sa Canada sa araw ng Huwebes, May 30.
Ayon kay Guevarra, tumatayong officer-in-charge o caretake ng bansa habang nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte, aabot sa P10 milyon ang halaga ng reshipment ng mga basura mula Maynila patungong Vancouver.
Sasagutin naman aniya ng gobyerno ng Canada ang bayad sa reshipment.
Ikakarga ang mga basura sa mga barko mula sa tatlong shipping company.
Kabilang aniya rito ang Maersk, Zim Integrated Shipping Services at ang France-based company na CMA-CGM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.