2 mangingisda na nawala sa Zamboanga del Norte natagpuan na

By Angellic Jordan May 29, 2019 - 10:02 PM

Natagpuan na ang dalawang mangingisda na nawala sa Zamboanga del Norte.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)-Bohol, bibigyan sina Jaime Sollatorio, 69-anyos, at Ian Reyes, 32-anyos, ng complimentary ticket para makalipad mula sa Bohol pauwi sa kanilang bayan.

Sina Sollatorio at Reyes ay kapwa nakatira sa bayan ng President Manuel A. Roxas sa Zamboanga del Norte.

Nangisda ang dalawa nang biglang makaranas nang masamang panahon noong araw ng Sabado.

Dahil dito, nasira ang kanilang bangka at napadpad sa Aliguay Island sa Dapitan City.

Nang bumuti ang lagay ng panahon, sinubukan nina Sollatorio at Reyes na umuwi ngunit nawala ang dalawa at napunta sa Santa Catalina, Negros Oriental.

Sinubukan muling pumalaot ng dalawa ngunit napunta naman sa San Juan, Siquijor hanggang sa dumating sa Loay, Bohol noong araw ng Linggo bandang 6:00 ng gabi.

Agad humingi ng tulong sina Sollatorio at Reyes sa Loay Police Station.

 

 

 

TAGS: Mangingisda, masamang panahon, natagpuan na, nawawala, PCG-Bohol, Zamboanga del Norte., Mangingisda, masamang panahon, natagpuan na, nawawala, PCG-Bohol, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.