Lima hanggang walong bagyo tatama sa bansa sa susunod na tatlong buwan – PAGASA

By Chona Yu May 29, 2019 - 12:23 PM

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni PAGASA Deputy administrator Flaviana Hilario, na mararanasan ang bagyo sa Hunyo, Hulyo hanggang Agosto.

Ayon kay Hilario, sa buwan ng Hunyo, makararanas ang bansa ng generally near normal rainfall condition maliban sa mga lugar sa Apayao, Cagayan, Zambales at iba pang lugar sa Region 1 na makararanas ng below normal na rainfall o pag-ulan.

Sa buwan ng Hulyo, generally normal above rainfall level ang mararanasan sa bansa maliban sa Mindanao at Southern Visayas.

Sa buwan ng Agosto, above normal rainfall na ang mararanasang pag-ulan sa bansa.

Ayon kay Hilario, ang buwan ng Hulyo at Agosto ang itinuturong ng PAGASA na peak months o pinakamalakas na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

TAGS: Agosto, Bagyo, Hulyo, Hunyo, Pagasa, PAGASA Deputy administrator Flaviana Hilario, Agosto, Bagyo, Hulyo, Hunyo, Pagasa, PAGASA Deputy administrator Flaviana Hilario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.