Duterte sinertipikahang ‘urgent’ ang tobacco excise tax bill

By Len Montaño May 29, 2019 - 03:52 AM

Sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “urgent bill” ang Senate Bill No. 2233 na layon ang mas mataas na excise tax sa mga sigarilyo.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, itinalagang officer in charge ng ehekutibo habang nasa Japan si Pangulong Duterte, pinirmahan ng Pangulo ang certification of urgency araw ng Martes.

“Signed na ‘yung certification of urgency for SB 2233. On its way to the Senate,” pahayag ni Guevarra sa media sa pamamagitan ng text message.

Kapag certified urgent bill ng Pangulo, maaaring ipasa agad ng Kongreso ang panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa.

Nakapaloob sa naturang panukalang batas ang pagtaas ng excise tax sa mga sigarilyo mula 2020 hanggang 2023.

Sa panukala, magsisimula sa P45 o P10 ang taas na buwis sa unang taon ng implementasyon ng batas.

Susundan ito ng dagdag P5 kada taon hanggang maabot ang dagdag P60 sa bawat pakete ng sigarilyo.

Pagkatapos nito ay automatic ang pagtaas ng excise tax sa 5 porsyento kada taon.

Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na plano na nilang tapusin ang debate ng plenaryo sa bill at ipasa ito sa third at final reading ngayong Miyerkules o sa Lunes dahil nakatakdang mag-adjourn ang 17th Congress sa June 7.

Samantala, sa Kamara, batay sa House Bill 8677 ay nasa P37.50 hanggang P45 kada pakete ang excise tax increase hanggang 2022 na tataas ng 4 porsyento sa susunod na mga taon.

 

TAGS: certified, excise tax, House Bill 8677, Justice Sec. Menarddo Guevarra, SB 2233, tobacco, Urgent bill, certified, excise tax, House Bill 8677, Justice Sec. Menarddo Guevarra, SB 2233, tobacco, Urgent bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.