Dalawang kongresista, nagkainitan sa kasagsagan ng hearing House Committee on Appropriations

By Isa Avendaño-Umali December 14, 2015 - 12:41 PM

Ungab and belloNagkasagutan ang dalawang Kongresista sa kasagsagan ng pagdinig ng House Committee on Appropriations ngayong araw, (December 14).

Kinuwestiyon kasi ni 1-BAP Party List Rep. Silvestre Bello III si Davao City Rep. Isidro Ungab kung siya pa rin ang chairman ng Appropriations Panel.

Ayon kay Bello, noong mga nakalipas na araw ay napapabalitang nagbitiw na si Ungab sa Liberal Party para suportahan ang Presidential bid ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Gayunman, tila minasama ni Ungab ang mga pahayag ni Bello, at sinabing gumagawa lamang ng political issue ang partylist Solon.

Giit ni Ungab, hindi pa siya nagbibitiw sa LP at wala pang pasya ang Liderato ng Kamara kung siya ba ang aalisin bilang chairman ng makapangyarihang Appropriations Committee.

Makailang ulit na sinuspinde ni Ungab ang hearing para maiwasang mairekord sa committee proceedings ang kanilang sagutan ni Bello.

Sa huli, tahasang sinabi ni Ungab na “hindi sila bastos sa komite”, na ikinainit naman ng ulo ng Bello na sumagot na si Ungab daw ang bastos.

TAGS: Isidro Ungab, Silvestre Bello III, Isidro Ungab, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.