Alvarez kinumpirma na may P1M ang kongresista na boboto sa susunod na speaker

By Len Montaño May 29, 2019 - 12:21 AM

File photo

Kinumpirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na may “gapangan” na ng P1 milyon sa bawat kongresista para makuha ang boto bilang House Speaker.

Ang pagkumpirma ay ginawa ni Alvarez kasunod ng pagkalat ng text message sa ilang kongresista na umano’y nanggaling sa kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Nakasaad sa mensahe ang ukol sa umanoy pulong araw ng Lunes sa Pasig City kung saan tinalakay ang isang mahalagang bagay.

Ayon sa natanggap na impormasyon ni Alvarez, sinisimulan na umanong awitan ni Velasco ang mga kongresista at P1 milyon ang umanoy ilalaan na pondo sa bawat mambabatas na popondohan naman umano ng kilalang malapit kay Velasco na si San Miguel Corp. President Ramon Ang.

Wala namang reaksyon pa ang tangapan ni Velasco kaugnay sa kumalat na text message.

Nanindigan si Alvarez na hindi siya gagamit ng naturang paraan para makuha ang pwesto.

Samantala, sinabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, nasa likod ng manifesto of support para sa isa pang contender sa Speakership na si Rep. Martin Romualdez, magiging malaking factor para sa 2022 Presidential election kung tatakbo si Davao City Mayor Sarah Duterte at kung si Velasco ang mahihirang na Speaker.

Pero una nang sinabi ni Velasco na hindi makikialam si Davao City Mayor Sarah Duterte sa pagpili ng susunod na Speaker.

 

TAGS: dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Davao City Mayor Sarah Duterte, gapangan, house speaker, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, P1 milyon, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Davao City Mayor Sarah Duterte, gapangan, house speaker, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, P1 milyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.