Panukalang dagdag na buwis sa yosi pinirmahan ni Duterte bilang urget bill
Nilagdaan na ni pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill 2233 o ang “An Act Raising the Excise Tax on Tobacco Products and Amending For the Purpose Pertinent Sections of the National Revenue Code.” bilang isang urgent bill.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na tumatayong caretaker ng pamahalaan, patungo na ngayon sa Senado ang kopya ng dokumento.
Si Guevarra ang tumatayong officer-in-charge ng bansa habang nasa apat na araw na pagbisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa 25th Nekkies International Conference.
Target ng Senate Bill 2233 na taasan pa ang excise tax sa sigarilyo at mas matinding parusa sa mga pumapasok sa illicit tobacco trade.
Mula sa kasalukuyang P40 na excise tax sa bawat pakete ng sigarilyo, layunin ng Senado na itaas sa P60 pesos kada pakete ang excise tax simula sa susunod na taon hanggang sa taong 2023.
Pagkatapos nito otomatikong tataas ng limang porsyento ang excise tax sa bawat pakete ng sigarilyo simula sa January 1, 2024.
Nauna nang ipinanukala ng Department of Finance ang pagtataas ng buwis sa sin products para bigyan ng ayuda ang pondo na nakalaan sa Universal Health Care law ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.