Ramon Tulfo mananatiling special envoy sa China, PSA may bagong pinuno

By Chona Yu May 28, 2019 - 06:59 PM

Inquirer file photo

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang brodkaster na si Ramon Tulfo bilang special envoy for the public diplomacy of the president to China.

Base sa appointment paper na nilagdaan ng pangulo noong May 27, 2019, anim na buwan ang termino ni Tulfo.

Una rito, itinalaga na ng pangulo si Tulfo sa kaparehong posisyon ng anim na buwan.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Tulfo matapos sabihing tama dang mga Pinoy manggagawa kung kaya mas gusting kunin ng mga employer ang mga Chinese worker.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Dr. Claire Dennis Sioson Mapa bilang national statistician ng Philippine Statistics Authority.

Limang taon ang termino ni Mapa.

Papalitan ni Mapa si Dr. Lisa Grace Bernales.

Itinalaga rin ng pangulo si Allen Arat Capuyan bilang commissioner na magpi-presenta ng Southern at Eastern Mindanao sa National Commission on Indigenous Peoples Office.

TAGS: bernales, mapa, Philippine Statistics Authority, psa, Ramon Tulfo, special envoy for the public diplomacy of the president to China., bernales, mapa, Philippine Statistics Authority, psa, Ramon Tulfo, special envoy for the public diplomacy of the president to China.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.