Preliminary investigation sa kasong estafa hindi sinipot ni alias “Bikoy”
Hindi sinipot ni Peter Joemel Advincula, alias “Bikoy” ang preliminary investigation sa Department of Justice kaugnay sa kasong estafa na kanyang kinakaharap.
Wala ring sumipot na abogado sa nasabing pagdinig mula sa kampo ni Advincula ayon kay Atty. Benjamin Delos Santos na siya namang abogado ng complainant na isang negosyante.
Dahil dito ay muling ikinalindaryo sa June 4 ang preliminary investigation sa reklamo.
Kinumpirma naman ng DOJ na tinanggap ng kinatawan ni Advincula ang kopya ng reklamos a bayan ng Donsol, sa Sorsogon na ibinigay niya bilang valid address.
Si Advincula ay sinampahan ng reklamo ni Arven Valmores, president at CEO ng Ardeur World Marketing Corp., na isang perfume distribution company.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Valmores na ginamit ni Advincula ang kanilang kumpanya ng walang kaukulang permiso nang ito ay mag-organisa ng isang beauty contest sa Polangui, Albay noong nakalipas na buwan ng Agosto taong 2018.
Magugunitang noong Linggo ay nakalabas na sa Camp Crame si Advincula makaraan itong makapaglagak ng piyansa sa estafa charges.
Maging ang Philippine National Police ay hindi alam ang kanyang kinaroroonan sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.