Libu-libong classrooms hindi nagawa at naayos dahil sa re-enacted budget

By Jan Escosio May 28, 2019 - 01:08 PM

INQUIRER File

Sinabi ni Senator Loren Legarda na ang sector ng pampublikong-edukasyon ang isa sa pinaka-apektado ng pinaganang re-enacted budget ngayon taon.

Ayon kay Legarda, 18,575 classrooms ang hindi naayos at may 4,110 naman ang hindi naipatayo.

Dagdag pa ng senadora, naantala din ang pagbibigay ng tulong sa 328,889 senior high school students.

Nalaman ito ni Legarda sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Finance hinggil sa epekto ng apat na buwan na paggamit ng re-enacted budget.

Base sa ulat ni Finance Sec. Carlos Dominguez dahil sa budget impasse nakapagtala lang ng economic growth target na 5.6 percent sa unang tatlong buwan ng taon gayun ang target ay nasa pagitan ng 6.6 hanggang 7.2 percent.

Bukod dito, ang underspending ng gobyerno ay umabot sa P1 bilyon kada araw.

Tiwala si Legarda na kapag nagkaroon ng accelerated spending at naipatupad na ang mga programa ng gobyerno ay mahahabol pa ang target na paglago ng ekonomiya ngayong taon.

TAGS: Libu-libong classrooms hindi nagawa at naayos, re-enacted budget, senator loren legarda, Libu-libong classrooms hindi nagawa at naayos, re-enacted budget, senator loren legarda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.