60 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa isang residential area Brgy. UP Campus, Q.C.

By Jimmy Tamayo May 28, 2019 - 11:43 AM

Aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay UP Campus, Quezon City, Martes ng madaling araw (May 28).

Nagsimula ang sunog dakong alas-3:00 ng madaling araw at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials at magkakadikit ang bahay sa lugar.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Myrna Omay na nasa Pook Malinis at agad na kumalat sa mga katabing tahanan.

Tinatayang nasa P80,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa sunog na tumagal ng higit sa isang oras bago tuluyang maapula.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinag-mulan ng apoy.

TAGS: 000 ang halaga ng natupok, Aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng bahay, Barangay UP Campus, P80, quezon city, sunog, 000 ang halaga ng natupok, Aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng bahay, Barangay UP Campus, P80, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.