DA umapela sa mga traders na itigil mula ang pag-aangkat ng mga pork products sa mga bansang may african swine fever

By Jimmy Tamayo May 28, 2019 - 11:32 AM

Umaapela ang Department of Agriculture (DA) sa mga negosyante na boluntaryong itigil muna ang pag-aangkat ng mga karne ng baboy at mga pork products sa bansang apektado ng African swine fever.

Ang panawagan ay ginawa ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol kasunod ng outbreak ng African swine fever sa Hongkong at ilang lugar sa China.

Nagbabala si Secretary Piñol na bagaman hindi naman delikado sa tao ang mga pork products na kontaminado ng ASF, lubha naman itong mapanganib sa mga baboy.

Nauna nang hiniling ng kalihim sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagpapa-recall sa mga pamilihan ng mga processed pork products na inangkat sa mga bansang may ASF partikular na mula noong August 2018 kung kailan nagsimula ang naturang sakit.

Ipinaliwanag ni Piñol na nabubuhay pa rin ang ASF kahit na nasa delata.

Noong nakaraang linggo isang OFW mula sa Hongkong ang hinarang sa airport dahil sa pagdadala ng nasa 34 na luncheon meat.

TAGS: ASF, China, DA, delata, Food and Drug Administration, Hong Kong, meat products, Sec. Manny Piñol, ASF, China, DA, delata, Food and Drug Administration, Hong Kong, meat products, Sec. Manny Piñol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.