Autopsy sa mga labi ng OFW mula Kuwait natapos na ng NBI
Natapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang autopsy na isinagawa sa mga labi ng Pinay worker mula sa Kuwait na si Constancia Dayag.
Ayon kay NBI spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin, natapos na nila ang autopsy noon pang Huwebes at ilalabas ang resulta sa Hunyo.
Tatagal kasi anya ang laboratory examination sa samples at specimen sa loob ng tatlong linggo hanggang isang buwan.
Ang autopsy ng NBI ay hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay ikalawang autopsy na dahil mayroon na ring isinagawang autopsy sa Kuait.
Nauna nang sinabi ng DOLE na nais ng pamilya ni Dayag na magsagawa ng reautopsy para malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sinasabing pisikal at sekswal na inabuso ang Pinay worker kung saan natagpuan pa ang pipino sa maselang bahagi ng katawan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.