Oil companies may bawas-presyo sa petrolyo ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 04:17 AM

Nag-anunsyo na rin ang iba pang oil companies ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto.

Epektibo ang rollback ngayong umaga ng Martes, May 28.

Sa abiso ng Caltex, Eastern Petroleum, Petro Gazz, Petron, PTT Philippines at Shell, may bawas na P0.35 ang kada litro ng kanilang gasolina habang P0.45 naman sa kada litro ng diesel.

Ang Caltex, Petron at Shell ay may tapyas din na P0.60 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Epeltibo ang rollback ngayong alas-6:00 ng umaga maliban sa Caltex na nagpatupad na kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Unang nagpatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum noong Linggo habang ang Seaoil ay nagpatupad kahapon, araw ng Lunes.

 

TAGS: Bawas-presyo, diesel, epektibo Martes, gasolina, kerosene, petrolyo, rollback, Bawas-presyo, diesel, epektibo Martes, gasolina, kerosene, petrolyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.