Malacañang: Ban sa pagbiyahe ng mga opisyal sa Canada aalisin kapag naayos na ang isyu sa basura
By Rhommel Balasbas May 28, 2019 - 03:19 AM
Aalisin ang ban sa pagbiyahe ng government officials patungong Canada sakaling maresolba ng naturang bansa ang isyu sa basurang ipinadala sa Pilipinas.
Magugunitang nilimitahan ang biyahe ng mga opisyal ng gobyerno makaraang hindi matupad ng Canada ang May 15 na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkuha ng kanilang basura.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kung makukuha ng Canada ang kanilang basura ay wala nang dahilan para magalit ang pangulo.
Giit ni Panelo, ipinatutupad ang travel ban para ipakita sa pamahalaan ng Canada na seryoso ang gobyerno ng Pilipinas sa isyu ng kanilang tone-toneladang basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.