Anim na illegal aliens, timbog ng BI sa Mindanao

By Ricky Brozas May 27, 2019 - 11:16 AM

Arestado ng mga tauhan ng Mindanao Intelligence Task Group ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na dayuhang iligal na nanatili sa bansa.

Sa bisa ng mission orders mula sa Bureau of Immigration commissioner, inaresto ng MITG sa General Santos City ang mga Indonesian na sina Jimbirs Da Lema at Supian Undingan.

Ayon sa Immigration, pawang undocumented aliens ang mga ito na nauna nang inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Sarangani dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo.

Sa Tagum City naman sa Davao del Sur natimbog ng mga operatiba ng Immigration ang Sri Lankan national na sina Warnakula Weerasuriya Jayathilaka alyas Anton Rowel na isa nang overstaying alien sa bansa.

Arestado rin sa Tagum ang Korean na si Kim Yoonsig na nadiskubreng nasa blacklist na ng BI.

Naaresto rin ng BI operatives ang American national na si Branden Fitzgeral Dandridge sa isang resort sa Davao City.

Timbog naman sa Cagayan De Oro City ang isangTony Co o kilala rin sa pangalang Alex Ubalde, na isang undocumented Chinese national na walong taon nang overstaying sa bansa.

Nakapiit na ang anim sa detention facility sa Davao habang hinihintay pa ang deportation proceedings laban sa mga ito.

TAGS: Radyo Inquirer, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.