SC nagdesiyon nang tanggalin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo; isang grupo aapela
Nakatakdang umapela ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) sa pinal na desisyon ng Korte Suprema na tanggalin ang Filipino at Panitikan bilang bahagi ng core subjects sa koleihyo.
Ayon sa Tanggol Wika, maghahain sila ng ikalawang motion for reconsideration at hindi hihinto hanggang sa matigil ang ginagawang ‘cultural genocide’ ng Korte Suprema.
“But the fight is not over yet. We will file a second motion for reconsideration, and we will stop the country’s Supreme Court-sponsored marriage to a foreign tongue, or shall we dare say, cultural genocide,” giit ng grupo.
Bawal na sa ilalim ng rules of court ang paghahain ng ikalawang second motion for reconsideration.
Gayunman, may ilang mga pagkakataon na muling ikinonsidera ng korte ang isang final at executory decision na nakitaan ng procedural flaws.
Iginigiit ng Tanggol Wika na batay sa Saligang Batas, lahat ng education institutions ay dapat isama ang pag-aaral ng Konstitusyon, Panitikan at Filipino sa lahat ng curriculum
Gayunman, sinabi ng SC na malawak ang isinasaad ng Konstitusyon tungkol sa pagsasama ng tatlong asignatura sa curriculum at hindi tiniyak kung saang antas dapat itong ituro.
Hindi umano lumabag ang CHED sa Saligang Batas nang ilipat ang tatlong asignatura sa curriculum ng elementarya at sekondarya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.