DepEd tumatanggap na ng aplikasyon para sa SHS voucher program

By Rhommel Balasbas May 27, 2019 - 02:37 AM

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap sa mga aplikasyon para sa Senior High School (SHS) Voucher Program para sa Taong Panuruan (School Year) 2019-2020.

Parehong nagbukas ang manual at online applications para sa SHS voucher kahapon (May 26).

Ang SHS voucher program ay ang financial assistance program ng kagawaran para sa qualified Grade 10 completers na nagnanais matapos ang SHS sa private schools, state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).

Kailangang maisumite ang mga sumusunod na requirements:

• Completed voucher application form
• Bagong 2×2 colored ID photo
• Proof of financial means ng magulang o guardian
• Signed parent consent form para sa mga aplikanteng 18 anyos pababa sa oras na isinumite ang aplikasyon
• Certificate of Financial Assistance na inilabas ng paaralan (kung applicable lamang)

Para sa manual applications, kailangang ipadala o personal na isumite ang kanilang filled out form at requirements sa PEAC National Secretariat, 5th Floor Salamin Building, 197 Salcedo Street, Makati City 1229 bago o mismong sa May 31.

Para naman sa online applications, kailangan isumite ang filled out form at scanned copy ng requirements sa Online Voucher Application Portal (OVAP) bago o mismong sa June 2 ngunit maaari lamang gumawa ng OVAP accounts hanggang May 31.

TAGS: Department of Education (DepEd), Senior High School voucher program, SHS, Department of Education (DepEd), Senior High School voucher program, SHS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.