‘Aladdin’ kumita ng $105M sa North America
Malakas sa takilya ang live-action film ng Disney na “Aladdin” makaraang kumita ng $105 million sa North America sa kasagsagan ng four-day Memorial Day holiday weekend.
Ito ang ikaanim na pinakamataas na Memorial Day weekend gross kung saan naungusan ng Aladdin ang $103.4 million ng “The Hangover Part II.”
Pinakamataas pa rin ang “Pirates of the Caribbean: At World’s End” na kumita ng $139 million sa unang apat na araw nito noong 2007 sa kaparehong panahon.
Malakas din ang kita ng Aladdin sa international scene at kumubra na ng $121 million sa 56 na bansa.
Ito ay reboot ng 1992 animated movie na kumita ng kabuuang $502 million sa worldwide box office.
Tampok sa pelikula sina Mena Massoud bilang si Aladdin, Will Smith na gumanap bilang Genie, Naomi Scott bilang si Jasmine at Marwan Kenzari bilang si Jafar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.