Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Chiba prefecture sa Japan 3:20 ng hapon ngayong sabado, May 25.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang naitalang lower 5 sa Japanese intensity scale ay tumama sa bayan ng Chonan na nasa hilagang silangang parte ng prefecture.
Jolts na may intensity 3 naman ang naramdaman sa Central Tokyo na nagpagewang sa mga gusali sa lugar.
Naitalang may lalim na 40 kilometro ang lindol.
Wala namang itinaas na Tsunami warning sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.