Mga bata ni VP Binay sa gabinete, dapat na ring umalis – Rep. Erice

June 25, 2015 - 07:43 PM

erice (1)Pinaaalis na rin ni Caloocan City Rep. Edgar Erice sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino ang aniya’y mga ‘bata’ ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Erice, chairman ng Political and Electoral affairs ng Liberal Party, ‘overstaying’ na ang mga ‘appointee’ ni Binay sa administration Cabinet.

Kabilang sa mga itinuturong alipores ni Binay sa gabinete ay sina Manuel Sanchez ng Home Guaranty Corporation; Atty. Darlene Berberabe na Presidente at CEO ng PAG-IBIG fund; Antonio Bernardo na CEO ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB at Chito Borromeo na consultant of the Vice President on Housing.

Giit ni Erice, wala nang dahilan pa para magtagal sa pwesto ang mga ‘bata’ ni Binay gayung wala na sa puwesto ang kanilang amo.

Noong Lunes, inihain ni Binay sa Malakanyang ang kanyang irrevocable resignation bilang Housing at OFW concerns Czar.

Sinundan naman ito ng talumpati ni Binay kahapon kung saan tinawag nilang palpak at manhid ang Administrasyong kanyang pinaglingkuran sa loob ng limang taon. / Isa Avendaño-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.