14 na lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng heat index ngayong araw, May 24
Aabot sa 14 mga lugar sa bansa ang nakapagtala ng delikadong antas ng heat index ngayong araw, May 24.
Ayon sa datos mua sa PAGASA, ang Sangley Point sa Cavite ang nakapagtala ng pinakamataas na heat index ngayong araw na 45.1 degrees Celsius.
Maliban sa Sangley Point, maraming iba pang lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index na kinabibilangan ng mga sumusunod:
– Iba, Zambales – 44.7 degrees Celsius
– Dumaguete City, Negros Oriental – 43.2 degrees Celsius
– Butuan City, Agusan Del Norte – 42.8 degrees Celsius
– Dipolog, Zamboanga Del Norte – 42.7 degrees Celsius
– El Salvador City, Misamis Oriental – 42.5 degrees Celsius
– Clark Airport, Pampanga – 41.6 degrees Celsius
– Catarman, Northern Samar – 41.5 degrees Celsius
– Hinatuan, Surigao del Sur – 41.4 degrees Celsius
– Roxas City, Capiz – 41.2 degrees Celsius
– Catbalogan, Western Samar – 41.2 degrees Celsius
– Surigao City, Surigao del Norte – 41.2 degrees Celsius
– Laoag City, Ilocos Norte – 41.1 degrees Celsius
Sa Metro Manila naman ay naitala ang sumusunod na air temperature at heat index:
NAIA Pasay City
– Air temperature – 35.2 degrees Celsius
– Heat index – 42.7 degrees Celsius
Port Area, Manila
– Air temperature – 32 degrees Celsius
– Heat index – 40.1 degrees Celsius
Science Garden, Quezon City
– Air temperature – 32 degrees Celsius
– Heat index – 38 degrees Celsius
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.