17 babae nailigtas; 2 arestado sa spa na nag-aalok ng ‘extra service’ sa Makati
Nailigtas ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 17 babae kabilang ang 3 menor de edad sa isang spa na ginagamit ding prostitution den sa Makati City.
Dinakip ang mga suspek na sina Edril delos Santos de Vera at Jenny Libradilla Coral, front desk officer at room attendant ng Quija Spa sa ikinasang entrapment operation ng NBI.
Ayon kay NBI anti-human trafficking division chief Janet Francisco, mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa anti-human trafficking law at anti-child abuse law.
Nag-ugat ang operasyon sa natanggap na intelligence information ng NBI na gumagamit ng mga babae ang Quija Spa para sa sexual exploitation.
Dahil dito, nagpanggap na customer ang ilang ahente ng NBI at doon nakumpirma na ang spa ay nag-aalok ng “extra service” o sexual favors sa halagang P3,000.
May nakita ring kahon-kahong mga condom sa reception table ng establisyimento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.