4 na silid-aralan sa isang eskwelahan sa Davao City, nasunog

By Jimmy Tamayo May 24, 2019 - 11:44 AM

Ilang araw bago ang pasukan, nasunog ang apat na silid aralan ng Bernardo Carpio National High School sa Barangay Buhangin sa Davao City Huwebes (May 23) ng gabi.

Dakong alas-10:00 ng gabi nang magsimula ang sunog na naka-apekto sa laboratory room ng cookery, bread and pastry, dressmaking at beauty care.

Ayon sa ulat naputol ang supply ng kuryente sa ikalawang palapag ng paaralan bago sumiklab ang sunog.

Pinaniniwalaang electrical overload ang sanhi ng sunog.

Tinatayang aabot ng P2.8 milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

TAGS: Barangay Buhangin, Bernardo Carpio National High School, Davao City, fire incident, Barangay Buhangin, Bernardo Carpio National High School, Davao City, fire incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.