Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na nabigyan ng VIP treatment si Peter Joemel Advincula.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, ang press conference in sa Camp Crame noong Huwebes kung saan maraming naging rebelasyon si Advincula ay hindi rin naman inaasahan ng PNP.
Ipinatawag aniya ni PNP chief Oscar Albayalde ang presscon para ihayag sa publiko na nasa kostodiya na ng pulisya si Advincula.
Pinayagan aniyang magsalita si Advincula dahil sinabi nitong nais niyang humingi ng tawad sa pamilya ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Banac na humaba na lang ang pahayag ni Bikoy nang magtanong na sa kaniya ang mga mamamahayag.
Bago ang presscon sinabihan pa umano nila si Advincula na anumang sasabihin niya ay pwedeng magamit laban sa kaniya lalo pa at wala siyang kasamang abogado kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.