Suspek sa pagpatay sa isang Pinoy sa Canada hinatulang guilty ng korte

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2019 - 10:41 AM

Pinoy na biktima ng pagpatay sa Canada noong 2015
Hinatulang guilty ng korte sa Canada ang ang suspek sa pagpatay sa isang Pinoy noong December 2015.

Ang akusadong si Colton Steinhauer ay napatunayang guilty sa dalawang kaso ng first-degree murder dahil sa pagpatay sa Filipino na si Ricky Cenabre at sa isa pang biktima na si Karanpal Bhangu.

Sina Cenabre at Bhanghu ay kapwa trabahadoir sa dalawang magkaibang convenience stores sa southeast Edmonton.

Batay sa naging imbestigasyon ng pulisya kasama ni Steinhauer ang kaibigan niyang si Laylin Delorme at isang 13 na bata nang pasukin nila ang tindahan at paglooban.

Armado si Delorme ng baril habang malaking patalim naman ang dala ni Steinhauer.

Ibinigay umano ni Delorme ang baril kay Steinhauer at binaril nito si Cenabre.

Noong June 2018, si Delorme ay nauna nang nahatulang guilty sa two counts ng first-degree murder.

TAGS: canada, Colton Steinhauer ', first-degree murder, Ricky Cenabre, canada, Colton Steinhauer ', first-degree murder, Ricky Cenabre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.