7 drug suspects arestado sa anti-criminality campaign sa Maynila

By Noel Talacay May 24, 2019 - 10:27 AM

Arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad kaugnay sa kampanya kontra krimen at ilegal na droga sa Tondo at Binondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), lima sa pitong suspek ay nahuli sa Tondo at kinilala ang mga ito na sina Rey Consuela, 25 at si Adrian Aquino, 19.

Nakuha sa kanila ang dalawang maliliit na sealed transparent plastic sachet ng marijuana.

Si Michael Buenaobra, 40 anyos; Juanito Gabuyo, 30 anyos; at Jaype Masicampo, 25 anyos na pare-parehong nahulihan ng shabu.

Agn nasabing suspek ay nahahrap sa paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa Tondo naman, nahuli sina Angelo Sy, 27 anyos at Dario Moran, 32 anyos dahil sa paglabag sa PD 1602 o paglalaro ng cara y cruz at paglabag din sa RA 9165.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong piso na ginamit sa pagsusugal at P300 na pusta., tatlong shachet ng shabu na nagkakahalang P400.

Ang mga nasabing suspek ay nasa kostodiya na ng MPD.

TAGS: anti-criminality campaign, drugs, MPD, War on drugs, anti-criminality campaign, drugs, MPD, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.