Fil-Am arestado matapos mahulihan ng package na naglalaman ng marijuana
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang Filipino – American na claimant ng package na idineklarang tsokolate ang laman pero natuklasang liquid marijuana pala ang nasa loob.
Ayon sa Customs, umabot sa 30 piraso ng cartridge ng liquid marijuana ang natuklasan sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Ang mga ito ay mula sa China na idineklarang tsokolate at dumating sa bansa noong March 31, 2019.
At dahil may nakasulat kung kanino ito ipadadala ay inabangan ng mga otirdad ang claimant nito at saka siya inaresto.
Simula noong nakaraang taong 2018, sinabi ng customs na umabot na sa 40 insidente ng drug busts ang naitatala ng Customs NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.