Mahigit 2 bilyong pekeng accounts inalis ng Facebook
Nag-disable ang Facebook ng aabot sa mahigit 2 bilyong bogus accounts.
Ayon sa Facebook, sa unang quarter ng 2019, umabot sa 2.19 billion na accounts ang kanilang tinanggal na lawang peke.
Mas mataas ito ng halos doble sa bilang ng mga na-disable na Facebook acounts kumpara noong huling tatlong buwan ng 2018.
Ayon sa Facebook, pawang automated imposters ang nagbuo ng mga accounts.
Samantala, iniulat din ng social media giant na umabot sa 65 percent ang nadetect nilang hate speech na kanilang kusang tinanggal at hindi na hinintay na ireport ito ng users.
Sa kabuuan umabot sa apat na milyong posts na maituturing na hate speech ang inalis ng Facebook sa unang tatlong buwan ng taon.
Excerpt:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.