Alegasyong dawit ang Simbahang Katolika sa ouster plot itinanggi ng CBCP

By Rhommel Balasbas May 24, 2019 - 03:56 AM

Pinabulaanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ na sangkot ang Simbahang Katolika sa planong pagpapabagsak kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Advincula na isang umano’y Father Alejo ang nagpakilala sa kanya sa mga taga-oposisyon para gawin ang Bikoy videos.

Ayon kay CBCP Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, kung may pari mang kumausap kay Bikoy o may mga paaralang pinagdausan ng umano’y ouster meetings ay walang kinalaman ang Simbahan dito.

Iginiit ni Secillano na bagaman tinutulan ng Simbahang Katolika ang ilang polisiya ng administrasyon ay hindi kailaman itinuring na kalaban si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

TAGS: bikoy, CBCP, CBCP Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, Father Alejo, Peter Joemel Advincula, Simbahang Katolika, bikoy, CBCP, CBCP Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, Father Alejo, Peter Joemel Advincula, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.