Pilipinas tinanggihan ang alok ng Canada na kunin ang basura sa katapusan ng Hunyo

By Len Montaño May 24, 2019 - 01:50 AM

Tinanggihan ng Pilipinas ang alok ng Canada na hakutin ang basura nitong itinambak sa bansa pabalik sa Ottawa sa katapusan pa ng Hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi papayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa nais ng Canada lalo na ngayong inutos ng Pangulo ang agarang pagbabalik ng basura.

“They said it will take end of June. The President will not agree with this. I understand from Secretary [Carlos] Dominguez that it will be set the soonest. The trash will be sent back the soonest,” ani Panelo.

Reaksyon ito ng Palasyo sa pahayag ng Environment and Climate Change Canada (ECCC) na sa katapusan pa ng Hunyo makukumpleto ang pagkuha sa basura.

Una nang sinabi ni Panelo na sa inis ng Pangulo ay inutos nito na agad ibalik sa Ottawa ang basura kahit akuin na ng Pilipinas ang gastos.

Binatikos din ng Malakanyang ang tila kawalan ng aksyon ng Canada sa isyu.

Giit ni Panelo, hindi hahayaan ng gobyerno na maging tambakan ng basura ng Pilipinas.

Nasa 103 containers ng iba’t ibang uri ng basura mula Canada ang pumasok sa bansa mula 2013 hanggang 2014.

TAGS: 103 containers, Basura, canada, Environment and Climate Change Canada, katapusan ng Hunyo, Ottawa, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, tinanggihan, 103 containers, Basura, canada, Environment and Climate Change Canada, katapusan ng Hunyo, Ottawa, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, tinanggihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.