Basurang itinambak sa Misamis Oriental ipinababalik ng pangulo sa Australia

By Chona Yu May 23, 2019 - 03:18 PM

Inquirer file photo

Inatasan na ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ibalik sa Australia ang pitong container van ng basura na nakaimbak sa Misamis Oriental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang paninindigan ng pangulo na hindi basurahan ang Pilipinas.

Nakaiinsulto aniya ang ginawa ng Australia dahil tahasang pambabastos ito sa ating sobereniya.

Nakapagtataka ayon kay Panelo kung bakit napapapasok pa sa bansa ang mga basura gayung mahigpit ang pagbabawal dito ng pamahalaan.

Sinabi rin ng kalihim na posibleng misdeclared cargo ang kontrabando kung kaya nakapasok sa bansa.

Pagtitiyak ni Panelo, mananagot sa batas ang sinumang indibidwal na nasa likod ng pagpasok ng basura sa Australia.

“That will be our stance. It will be offensive to this government to be a recipient of trash or basura. We are offended by that. We will not allow it. We’ll send them back”, ayon pa sa opisyal.

Una rito, nagalit at nainsulto si Pangulong Duterte sa pagtanggi ng Canada na kunin ang tone-toneladang basura na itinapon din sa bansa noong 2013 at 2014.

Nagpapahanap na ang pangulo ng pribadong kumpanya na magdadala ng basura pabalik ng Canada.

Aakuin na rin aniya ng pamahalaan ng Pilipinas ang gastusin sa pagbabalik ng basura.

TAGS: Australia, canada, duterte, Misamis Oriental, panelo, Australia, canada, duterte, Misamis Oriental, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.