Mabilis na pag-usad ng mga transportation project ng gobyerno record-breaking ayon kay Sec. Tugade

By Erwin Aguilon May 23, 2019 - 10:54 AM

Record-breaking para kay Transport Secretary Arthur Tugade ang muling pagbuhay at mabilis na pag-usad ng transportation projects ng pamahalaan na ilang dekada nang natengga.

Sa pagsisimula ng konstruksyon ng anim (6) pang istasyon ng PNR Clark Phase 1, ibinahagi ng kalihim na mula sa dating zero percent (0%) nang magsimula ang administrasyong Duterte, nasa 90.1% na ngayong free at clear ang Right of Way ng Contract Package 1 ng proyekto.

Dahil din aniya sa aksyon ng Department of Transportation (DOTr), Philippine National Railways (PNR), lokal na pamahalaan, Government of Japan at private sector partners, inaasahang mas maagang matatapos ang proyekto kaysa sa itinakdang panahon.

Binigyang-diin ni Tugade na ang mga pangunahing transportation infrastructure project ng Kagawaran ay pagsasakatuparan sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Pilipino.

TAGS: Bild, dotr, Radyo Inquirer, road projects, Bild, dotr, Radyo Inquirer, road projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.