Canada nangako na hahakutin ang basurang itinambak sa Pilipinas

By Jimmy Tamayo May 23, 2019 - 10:10 AM

Nangako ang pamahalaan ng Canada na bago matapos ang buwan ng Hunyo ay maibabalik na sa kanilang bansa ang tone-toneladang basura na dinala sa Pilipinas.

Sinabi ito sa isang statement ng kanilang Minister of Environment and Climate Change, Catherine McKenna kasunod ng ulat na kukuha na ng isang private firm ang pamahalaang Pilipinas para hakutin ang nasabing basura pabalik ng naturang bansa.

Ayon kay McKenna may napili na silang kompanya na maghahakot sa basura bagaman kailangan anila maging maingat sa proseso para makatugon sa kanilang “safety and health requirements.”

Napag-alaman na iginiwad ang kontrata sa kompanyang Bollore Logistics Canada na anumang araw ay sisimulan na ang kanilang trabaho.

Kaugnay nito, binigyan-diin din sa statement na pagpapahalaga sa matagal nang relasyon ng Canada at ng Pilipinas.

“The Government of Canada maintains ongoing discussions with the Government of the Philippines to ensure a positive outcome to this issue in a timely fashion.Values its deep and longstanding relationship with the Philippines and continues to work with that country to ensure swift resolution to this important issue of promptly repatriating waste exported to the Philippines by a Canadian company.” Ayon sa kalatas.

Tiniyak pa ng Canadian government na sila ang sasagot sa gastusin para maibalik ang mga basura.

TAGS: canada, Radyo Inquirer, waste, canada, Radyo Inquirer, waste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.