Mag-live in partner arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas May 23, 2019 - 04:39 AM

Timbog ang mag-live in partner sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa isang apartelle sa Arayat St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Target ng buy-bust si alyas ‘Edwin’, isang barker na sinasabing nagsusuplay ng iligal na droga sa lugar.

Kasamang natimbog ang ka-live in ng suspek.

Ayon kay Pol. Captain Ramon Acquiatan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Station 7, modus ng dalawa na magbenta ng droga sa loob ng inuupahan nilang kwarto sa apartelle.

Nabilhan ng P500 halaga ng iligal na droga ang dalawang suspek kaya’t agad silang inaresto.

Nakuha sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P7,500.

Lumalabas sa imbestigasyon na dati nang nakulong ang dalawa dahil sa paggamit ng iligal na droga.

Pinabulaanan naman ng dalawa na nagtutulak sila ng shabu ngunit aminadong  gumagamit sila hanggang sa ngayon.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

TAGS: apartelle, Barker, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mag live-in, QCPD Station 7, quezon city, shabu, apartelle, Barker, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mag live-in, QCPD Station 7, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.