Sindikatong nasa likod ng naarestong suspek sa high-end residential unit sa BGC hahabulin ng NCRPO

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2019 - 09:38 AM

NCRPO Photo

Aalamin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung sino ang supplier at ang
sindikatong nasa likod ng naarestong big-time drug suspect sa isang five-star residential building sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni NCRPO chief, Police Maj. Guillermo Eleazar, na tip of the iceberg lamang ang pagkakadakip kay Domingo Uy at maaring may malaking sindikato na nasa likod nito.

May mga nakita ding listahan kay Uy at lumilitaw na siya ang nagdi-distribute ng party drugs sa BGC at iba pang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar makikipag-ugnayan sila sa Phiilppine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa anti-money laundering council para ituloy ang imbestigasyon sa iba pang kasamahan ni Uy.

Wala aniya sa drugs watchlist at wala sa radar ng NCRPO ang naturang suspek.

Tiniyak ni Eleazar na hahabulin ang iba pang kasabwat ni Uy.

TAGS: BGC, Domingo Uy, NCRPO, War on drugs, BGC, Domingo Uy, NCRPO, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.