Kopya ng Manila Cathedral coffee table book ipinagkaloob kay Pope Francis

May 22, 2019 - 08:45 AM

Binigyan ng kopya si Pope Francis ng bagong coffee table book ng Manila Cathedral na mayroong replica ng makasaysayang bronze doors ng simbahan.

Personal na iniabot nina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle at Fr. Regie Malicdem, rector ng Manila Cathedral ang nasabing coffee table book sa Santo Papa.

Ang mga obispo mula sa Pilipinas ay nakipagpulong kay Pope Francis na bahagi ng kanilang Ad Limina Apostolorum Visit sa Rome.

Kasama din sa nasabing pulong si Archishop Socrates Villegas at mga obispo mula sa iba’t ibang diocese at archdiocese sa Northern Luzon.

Bahagi ng pulong ang pag-uulat ng mga obispo sa kondisyon ng mga nasasakupan nilang diocese sa Pilipinas.

Ginagawa ang Ad Limina Apostolorum visit kada tatlo hanggang sampung taon.

TAGS: manila, pope francis, manila, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.