DOH nais higpitan ang bentahan at paggamit ng vape at e-cigarette

By Len Montaño May 22, 2019 - 04:57 AM

Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng administrative order sa susunod na buwan para sa mas mahigpit na alituntunin sa pagbebenta at paggamit ng vape at e-cigarette.

Ayon sa DOH, ilalagay sa AO ang rekomendasyon sa Kongreso na isama ang e-cigarette at vape sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax law.

Sa gitna naman ng ulat na nakatulong pa ang paggamit ng vape sa unti-unting pagkalas sa paninigarilyo, sinabi ng ahensya na walang patunay na nakatulong ang e-cigarette para tumigil sa naturang bisyo.

“Wala pa tayong nakikitang ebidensiya na beneficial siya to help people quit smoking o mas healthy option to smoking. In fact ang problem natin kasi may content siyang nicotine kaya tuloy-tuloy pa rin ang addiction,” paliwanag ni  Usec. Eric Domingo, tagapagsalita ng DOH.

Dahil may kemikal anya na inilalagay sa e-cigarette at vape ay may peligro rin ito sa kalusugan alinsunod sa syensa na anumang hindi natural ay masama sa katawan.

TAGS: AO, doh, e-cigarette, Health, nicotine, pagbebenta, paggamit, paninigarilyo, Sin Tax Law, Tobacco Regulation Act, Usec. Eric Domingo, vape, AO, doh, e-cigarette, Health, nicotine, pagbebenta, paggamit, paninigarilyo, Sin Tax Law, Tobacco Regulation Act, Usec. Eric Domingo, vape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.